COVID-19 UPDATES
29 barangay chairmen, binigyan ng 48 hours para sumagot sa show cause order ng DILG
Binigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng 48 hours ang 29 na barangay chairmen sa Metro Manila para sumagot sa show cause order na inisyu ng ahensya laban sa kanila.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na binuo ni Secretary Eduardo Año ang isang special team na mag-iimbestiga sa mga barangay na ito sa pangunguna ni Usec. Martin Dino.
Giit ni Malaya, kung walang katanggap-tanggap o maayos na paliwanag ang mga naturang barangay chairmen, magsasampa ng kaso ang DILG sa Office of the Ombudsman laban sa kanila.
Maliban dito, mayroon ding kaukulang endorsement ito sa National Bureau of Investigation (NBI).
Matatandaang nag-isyu ng show-cause orders ang DILG laban sa 29 na barangay captain sa Metro Manila dahil sa umano’y kabiguan ng mga ito na ipatupad ang mga panuntunan hinggil sa enhanced community quarantine sa kani-kanilaang mga lugar.