National News
2K police personnel, ipinakalat ng QCPD ngayong Semana Santa
Nasa humigit-kumulang 2K police personnel ang ipinakalat ng Quezon City Police District (QCPD) para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong Semana Santa.
Ayon kay QCPD Deputy for Operations Col. Roman Arugay, pangunahing tututukan ang mga simbahan, major thoroughfares, terminals, at commercial areas.
Bukod sa mga ito, magiging katuwang rin ng Philippine National Police (PNP) ang iba pang local forces para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Bukod sa Kwaresma, inaasahan rin ang pagdagsa ng mga tao dahil sa mahaba-habang bakasyon.
Sa kabuuan, nasa 40, 283 police personnel ang idineploy ng PNP sa buong bansa habang nananatiling nakataas ang alerto nito dahil sa panahon ng halalan.
