National News
2nd batch ng fund transfer sa gobyerno, isinagawa ng PhilHealth
Nailipat na ng PhilHealth sa National Treasury nitong Miyerkules, Agosto 21, 2024 ang karagdagang P10B mula sa kanilang excess fund.
Mapapansing mula sa P89.9B na excess fund ng state health insurer ay nauna nang nailipat sa gobyerno ang P20B noong Mayo.
Mula dito ay may naka-schedule pa na fund transfer sa Oktubre at Nobyembre.
Kamakailan lang ay umapela naman ang 65 medical societies na huwag nang ituloy ng PhilHealth ang fund transfer na naka-schedule nitong Miyerkules.
Sa isang liham mula sa kanila, iginiit ng health groups at health professionals na hindi makatarungan na gamitin ang pondo sa ibang mga proyekto gayong kailangan ito para sa mga programa sa ilalim ng Universal Healthcare Law (UHC).