Connect with us

3.5-M MT ng bigas, posibleng angkatin ngayong taon — NEDA

3.5-M MT ng bigas, posibleng angkatin ngayong taon — NEDA

National News

3.5-M MT ng bigas, posibleng angkatin ngayong taon — NEDA

Milyun-milyong tonelada ng bigas, nakikitang aangkatin ngayong taon sa kabila ng pagtaas sa produksyon ng aning bigas.

Sa datos mula sa National Economic and Development Authority (NEDA), sinasabing tataas daw ng 3% ang lokal na produksyon ng bigas ngayong taon, katumbas ito ng halos 12.89-M metriko tonelada.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang lokal na produksyon noong 2024 na nasa halos 12.48-M MT.

Ayon sa NEDA, ang lokal na produksyon ng bigas ay kulang pa rin ng 17% para matugunan ang kabuuang pangangailangan ng bansa na tinatayang nasa mahigit 15.54-M MT.

Para sa ahensya, kahit may inaasahang pagtaas sa lokal na produksyon, hindi pa rin daw ito sapat.

Kaya kailangan daw ng Pilipinas na umangkat ng humigit-kumulang 3.5-M MT ng bigas ngayong taon.

Paliwanag ng Department of Agriculture (DA), dapat lang daw na umangkat ng bigas para matugunan ang kakulangan nito, “Hindi kasi natin talaga siya inaalis to balance our local stocks. Kasi, kapag nagkaroon tayo ng medyo nakitaan na baka kulang ang suplay ay maaapektuhan ‘yung presyo. So, we really want or we want to balance our supplies.”

More in National News

Latest News

To Top