National News
3.6M na tuyong mga dahon ng marijuana, nasabat sa Benguet
Nasabat sa Betag, La Trinidad, Benguet nitong May 7, 2025 ang nasa P3.6-M na halaga ng tuyong dahon ng marijuana.
Nasa 4 katao ang inaresto mula rito ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera.
Sa ulat, isa sa mga suspek ang inaresto matapos magbenta ng 30 pakete ng tuyong dahon ng marijuana na tinatayang may bigat na 30 kilos.
Ang 3 kasamahan nito ay naabutan naman sa loob ng isang itim na Toyota Fortuner SUV na may kargang marijuana.
