National News
3.7-M Pilipino noong 2020, wala o “late” ang birth registrations – PSA
Marami sa mga Pilipino ang mayroong “late” birth registrations.
Ayon ito sa Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay sa nadiskubre kaugnay kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa pinakalatest na imbestigasyon, 19 years old na nang mairehistro ang Bamban Mayor.
Sa panig ng PSA, mula taong 2013 – 2022, nasa 972,830 ang late birth registrations.
Noong 2020, 3.7-M sa 111-M na populasyon ang walang birth certificates o hindi pa nairehistro.
Samantala, sa kaso ni Mayor Guo, posibleng nagsinungaling ang ama nito na si Jianzhong o Angelito Guo nang kumuha sya ng birth certificate.
Itoy dahil hindi makita ng PSA ang birth certificate ng ina ni Guo na si Amelia Leal.
Wala ring record ng naging kasal ng mga magulang nito kahit na sa birth certificate ni Mayor Alice at ng kanyang mga kapatid ay makikitang ikinasal ng 2 beses si Angelito at Amelia.
