National News
3 bansa, nagbabala laban sa pagkain ng sikat na instant noodles sa Pilipinas na ‘Lucky Me’
Naglabas ang pamahalaan ng Ireland, France at Malta ng health safety warning laban sa sikat na instant noodles sa Pilipinas na may brand na “
Sa pahayag ng Food Safety Authority of Ireland, pina-recall ng pamahalaan sa lahat ng merkado sa bansa ang “Lucky Me” na may original flavour na may best before date na July 20, 2022.
Paglilinaw naman ng ahensya na ipatutupad ang point-of-sale recall sa mga produktong may kaparehong best before date.
Sa Malta naman, iniutos ng environmental Health Department sa mga mamamayan ang hindi pagkain ng naturang brand ng instant noodles na may flavour na chili, beef, kalamansi at chili-mansi na may best before date na September 2022.
Ang pagbabala ng 3 bansa sa Philippine brand noodles ay dahil sa mataas na lebel ng ethylene oxide na isang hazardous chemical na karaniwang ginagamit sa paggawa ng pesticides at disinfectants.
Kaugnay nito, nilinaw ng Monde Nissin Corporation, ang maker ng “Lucky Me!” na walang ethylene oxide na inilalagay sa kanilang mga produkto.
Tiniyak din ng kumpanya na rehistrado ang lahat ng kanilang produkto sa Food and Drug Administration (FDA) at pasok sa local food safety standards ng Philippine at US FDA.
Samantala, sinabi ni Health Undersecretary na kasalukuyang bineberipika ng FDA ang naturang insidente.
