Connect with us

3 bodega na pinagtaguan ng 200-K sako ng mga puslit imported rice, pinasara ng BOC

3 bodega na pinagtaguan ng 200-K sako ng mga puslit imported rice, pinasara ng BOC

Regional

3 bodega na pinagtaguan ng 200-K sako ng mga puslit imported rice, pinasara ng BOC

Pinasara ng Bureau of Customs (BOC) ang 3 bodega sa Bulacan dahil sa pagtatago ng nasa mahigit 200-K sako nang puslit na imported na bigas.

Ang mga bodegang ito ay ang Great Harvest Rice Mill Warehouse, San Pedro Warehouse at FS Rice Mill Warehouse na matatagpuan sa San Juan Balagtas sa Bulacan.

Ang halaga ng mga naturang supply ay aabot sa P505-M at pinaniniwalaang galing sa Vietnam,

Cambodia at Thailand.

Ipinag-utos na rin ni BOC Commissioner Bien Rubio sa mga may ari ng bodega na magpalabas nang mga dokumento at ang halaga ng bigas na kanilang itinago.

Kung matuklasang walang kaukulang importation at proof of payment documents, isasagawa ng BOC ang corresponding seizure at forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Sec. 1401 o Unlawful Importation na may kaugnayan sa Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

More in Regional

Latest News

To Top