National News
3 pasahero sa Cebu galing China, negatibo sa Coronavirus – CAAP
Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nag-negatibo sa ang tatlong pasaherong nakitaan ng sintomas nito sa Cebu City.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, sinabi nito na agad dinala sa ospital ang mga nakitaan ng sintomas ng Coronavirus mula Wuhan, China.
Aniya, “Tatlo po yun nung Friday, pero nung nadala naman po roon sa provincial hospital ay nag-negative po yung test kaya nakalabas na din yung tatlong pasahero galing China.”
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang paghihigpit ng mga airlines upang hindi na makapasok pa ng bansa ang nasabing virus.
Dagdag pa ni Apolonio, “Mayroon po tayong thermal scanner na ginagamit ng ating medical team(…)[P]agbaba po ng flight, before deplaning ini-isa isa na po ng ating mga medical personnel yung mga pasahero; para kung sakali at may mag-rehistro na mas mataas sa 38 degrees i-isolate kaagad.”
Sinisigurado naman ng CAAP ang pagbabantay at seguridad ng mga pasahero lalo na sa mga nanggagaling mula sa Wuhan City sa China kung saan nagmula ang nasabing virus.