Regional
3 dating NPA, sumuko sa militar
Sumuko ang 3 dating miyembro ng New People’s Army (NPA).
Kinilala ang mga ito na sina Ernie del Pilar, Michael Eboy at Romeo Roguero.
Si Del Pilar ay ang commanding officer ng Pulang Bagani Company 1.
Sumuko ang mga ito dahil umano sa sistematikong korapsyon at nepotismo sa kanilang organisasyon.
Hindi rin aniya sila nakatatanggap ng sapat na pondo dahil tanging mga miyembro ng CPP-NPA Central Committee ang nakikinabang umano sa pinansyal na aspeto ng organisasyon.
Maliban dito, itinuro rin ng 3 ang iba’t ibang lugar na pinagtataguan ng matataas na kalibre ng armas ng grupo sa Davao City.
Kabilang na narekober dito ng militar ay ang 15 na M16 rifles, 3 na M14 rifles, 2 na Garand rifles, 1 na light machine gun, at 1 na M2 carbine.
Ulat ni: Bernard Ferrer