Regional
3 lalaki, patay sa buy-bust operation sa Bulacan
Patay ang tatlong lalaki matapos manlaban sa buy-bust operation sa isang drug den sa barangay Santo Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon kay Police Superintendent Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte PNP, pinaulanan ng bala ng mga suspek ang mga pulis sa operasyon.
Wala namang nasugatan sa panig ng pulisya.
Narekober sa crime scene ang mga pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.
Sa datos na ng San Jose del Monte PNP, nasa 658 na ang naaaresto habang 59 ang napapatay sa police operations sa nasabing bayan mula noong 2018.
DZARNews
