National News
3 lugar sa Negros Occidental, ASF-free na
African swine fever (ASF) free na ang 3 lugar sa Negros Occidental.
Ang mga ito ayon sa kanilang provincial veterinary office ay ang mga bayan ng Pulupandan, Hinigaran at maging ang Silay City.
Bagamat ASF-free na ang naturang mga lugar ay matatandaang kasama sa apektado ng swine disease ang mga lungsod ng Escalante, Kabankalan, La Castellana, San Carlos, Valladolid at Victorias.
Apektado dito ang nasa 3, 536 na hog raisers sa 153 barangays at 20 bayan o lungsod sa Negros Occidental.
