Connect with us

3 OFW’s sa Kuwait, nasawi sa sunog noong Miyerkules

3 OFW’s sa Kuwait, nasawi sa sunog noong Miyerkules

National News

3 OFW’s sa Kuwait, nasawi sa sunog noong Miyerkules

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkamatay ng 3 Overseas Filipino Workers (OFW) sa nangyaring sunog sa isang residential building noong Miyerkules.

Ayon kay Department Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang 3 OFW ay nasawi dahil sa smoke inhalation.

Ang mga ito ay nakatira sa nasunog na gusali at nagta-trabaho sa Kuwaiti Construction Company at kabilang sa 11 Pinoy Workers na naapektuhan din ng sunog.

Sa ngayon, ayon sa Kalihim na nakikipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng OFW’s gayundin sa pamilya ng 2 nasa kritikal na kondisyon maging sa pamilya ng 3 nasawi

Sa kasalukuyan, 6 sa mga nasabing OFW ang nasa ligtas ng kalagayan at tinutugunan ang kanilang pangangailangan.

More in National News

Latest News

To Top