Connect with us

3 opisyal at empleyado ng BuCor, pinasisibak sa serbisyo ng Ombudsman

Ipinasisibak na sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang tatlong opisyal at empleyado ng Bureau of Correction (BuCor) dahil sa “grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.”

National News

Sa desisyon ng Ombudsman, kabilang sa ipinasisibak sina Corrections Technical Service Officer II Ramoncito Roque, officer-in-charge of the Inmate Documents and Processing Section; Corrections Sr. Insp. Maria Belinda Bansil; at custodial Officer Veronica Buño.

Ang mga kaso na kinasasangkutan ng tatlo ay nag-ugat sa umano’y maanomalyang implementasyon ng RA 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) na nagresulta ng paglaya ng halos 2,000 heinous crime convicts.

Maliban sa dismissal, sasampahan din ang tatlo ng direct bribery at graft.

Sa bahagi ng indictment ni Ombudsman Samuel Martires, nakitaan ng probable cause sina Roque, Bansil at Buño na nangikil ng P50,000 mula sa isang Bilibid inmate kapalit ng GCTA release nito.

More in National News

Latest News

To Top