Regional
3 pulis, nahaharap sa reklamo dahil sa diumano’y pambubugbog sa isang baguhang pulis sa Isabela
Tiniyak ng Philippine National Police-Integrated Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) na tututukan nila ang kaso kaugnay sa reklamo ng isang baguhang pulis na biktima umano ng hazing sa kinabibilangan nitong Regional Force Battalion 2.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Jeremy Matthew Padilla habang hindi naman pinangalanan ang 3 akusadong pulis.
Nangyari umano ang hazing sa mismong kampo ng PNP sa Brgy. Macalauat, Angadanan, Isabela.
Sa panayam kay PNP PIO Chief Colonel Jean Fajardo, tiniyak ng pulisya na walang mangyayaring whitewash sa ginagawa nilang imbestigasyon.
Una nang itinanggi ng 3 pulis ang akusasyon ng biktima.
