National News
3 sa 13 ‘ninja cops’ na sangkot sa 2013 Pampanga raid, sinibak na
Sinibak na sa serbisyo ang 3 sa 13 tinaguriang ‘ninja cops’ na sangkot sa drug recycling sa raid sa Pampanga noong 2013.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, kinilala ni PNP Officer-In-Charge P/LtGen. Archie Francisco Gamboa ang 3 pulis na sina P/MSgt Donald Roque, P/MSgt. Rommel Vital at P/Cpl. Encarnacion Guerrero Jr.
Natuklasan na sangkot din ang 3 pulis sa maanomalyang drug operation sa Antipolo City, Rizal noong Mayo 2019.
Habang ang isa pang pulis na sangkot din sa raid sa Pampanga na si P/Lt. Joven de Guzman ay sinuspinde ng 59 araw.
Sinabi naman ni Gamboa na maaari pang i-apela ng mga pulis ang aksyon laban sa kanila.
Ulat ni Bernard Ferrer