National News
3 sa 24 kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala sa Quezon City
Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na 3/24 na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay mula sa lungsod.
Ayon kay Belmonte, ang unang pasyente ay isang 57 yrs. old na lalaki na mula sa Baler Street sa District 1.
Ang pangalawang pasyente naman aniya ay 30 yrs. old na lalaki at nakatira sa isang condominium unit sa Tomas Morato Avenue.
Ani belmonte, kasalukuyang nakaconfine ang pasyente sa isang pribadong ospital sa labas ng Quezon City habang ang ikatlong COVID case ay mula sa area ng Project 6.
Kahapon nang idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency bunsod ng COVID-19.