Connect with us

3-storey military hospital, itatayo sa Quezon Province

Pinangunahan ni AFP chief of staff LT. Gen. Bartolome Vicente Bacarro ang groundbreaking ceremony ng bagong gusali

National News

3-storey military hospital, itatayo sa Quezon Province

Pinangunahan ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang groundbreaking ceremony ng bagong gusali ng Camp General Nakar Station Hospital sa Quezon Province.

Ito ay upang mapagbuti ang serbisyong pangkalusugan at medikal ng mga tauhan ng Southern Luzon Command (SoLCom).

Ayon kay AFP public affairs office chief Colonel Jorry Baclor, ang tatlong palapag na gusali ay magkakaroon ng 25-bed capacity na may kakayahan ng isang Level 1 na ospital na maaaring magbigay ng in-patient, out-patient, emergency, at ancillary services.

Naging posible ang proyekto sa pagsisikap ng Department of National Defense (DND) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ng Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) program.

Iginiit ni Lieutenant General Bacarro na kailangang mabigyan ng pinakamataas na serbisyong medikal at kalusugan ang mga sundalo na itinataya ang kanilang buhay sa tungkulin.

More in National News

Latest News

To Top