Connect with us

3 warrant of arrest, naisilbi sa political instructor ng communist terrorist

Matagumpay na naisilbi ng PNP CIDG ang tatlong warrant of arrest laban sa political instructor ng communist terrorist group sa Zamboanga del Norte.

National News

3 warrant of arrest, naisilbi sa political instructor ng communist terrorist

Matagumpay na naisilbi ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong warrant of arrest laban sa political instructor ng communist terrorist group sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ni PNP CIDG director Police Major General Albert Ignatius Ferro ang suspek na si Romanito Sumasay, alyas Kumander Guzman, 58 taong gulang.

Si Sumasay ay nahaharap sa kasong Multiple Frustrated Homicide, Arson at paglabag sa RA 11188 o Special Protection of Children in Armed Conflict.

Kabilang din si Sumasay sa top most wanted person ng Lakewood, Zamboanga del Sur.

Una nang naaresto si Sumasay sa joint operation ng Regional Intelligence Division 9, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Zamboanga del Norte Provincial Police Office.

Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Liloy Municipal Police Station nang maisilbi ang tatlong warrant of arrest.

More in National News

Latest News

To Top