National News
3 weather systems malapit sa bansa, patuloy na binabantayan ng Pagasa
TATLONG weather systems malapit sa bansa ang patuloy na binabantayan ng Pagasa.
Ayon sa Weather Bureau, kasalukuyan nilang minomonitor ang isang shallow low pressure area (SLPA), low pressure area (LPA) na dating tropical depression Marilyn at isang tropical storm.
Sa Weather Bulletin, ang shallow LPA na nasa kanluran ng Zambales ay hindi inaasahang magiging ganap na bagyo.
Ang tropical storm naman na nasa layong 2,565 kilometro silangan ng Hilagang Luzon ay hindi inaasahang papasok ng bansa.
Habang ang LPA na dating Bagyong Marilyn na namataan sa layong 1,935 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes ay posibleng bumalik sa Philippine Area of Responsibilty (PAR) sa loob ng 48 oras.
Matatandaang Sabado ng gabi nang lumabas sa bansa ang nasabing bagyo.
Ngayong araw, patuloy na magdadala ang southwest monsoon o habagat ang ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon at MIMAROPA.
