Connect with us

30 electoral protests, inihain sa COMELEC

COMELEC Director Rex Laudiangco, mananatili bilang tagapagsalita ng poll body

National News

30 electoral protests, inihain sa COMELEC

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na mayroong 30 electoral protests na inihain sa poll body na may kaugnayan sa katatapos na 2022 National and Local Elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, binubuo ito ng protesta para sa city, municipal at provincial at regional positions.

Sa ngayon ay ni-re-review na aniya ng Electoral Contest and Adjudication Department ang mga isinampang protesta at gugulong sang-ayon sa rules at procedures.

“As of May 23 we have received  30 election protest cases. Lahat ng ito ay dinodocket natin. Of course it will proceed in accordance with the rules of procedure,” ani Laudiangco.

Sinabi rin ni Laudiangco na hinihintay pa nila ang report mula sa Clerk of the Commission para sa impormasyon kung mayroong winning party-list groups na may kakaharaping kaso.

Ipinaliwanag naman ng opisyal na anuman ang resulta ng eleksyon ay magpapatuloy ang pending cases ng mga partylist group sa Korte Suprema dahil isinampa ito bago pa ang botohan.

Kung nakalagay sa balota ang isang partylist group ay hinahayaan ng COMELEC ang taumbayan na magpasya.

Kaugnay nito nilinaw naman  ni Atty. Laudiangco na ang jurisdiction ng COMELEC ay sa city, regional, at provincial electoral protest lamang.

More in National News

Latest News

To Top