Connect with us

300 abandonadong balikbayan boxes sa BOC, pinakukuha na sa mga OFW

300 abandonadong balikbayan boxes sa BOC, pinakukuha na sa mga OFW

National News

300 abandonadong balikbayan boxes sa BOC, pinakukuha na sa mga OFW

Nananawagan ang Bureau of Customs (BOC) sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) o kanilang mga pamilya na kunin na ang mga balikbayan boxes na hanggang ngayon ay nasa bodega pa rin ng BOC.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na nagmula sa Kuwait ang 294 balikbayan boxes na dumating sa Pilipinas noon pang February 12, 2023, pero inabandona ng forwarder matapos na makolekta ang bayad sa abroad.

Kabilang anya sa mga requirements para ma-claim ang mga balikbayan boxes ay passport ng sender isang government-issued at ang proof of shipping gaya ng invoice o kaya ay Bill of Lading (BOL).

Kung ipakukuha naman sa iba ay magdala lamang ng notarized authorization letter o kaya ay special  power of attorney at valid id ng representative o iyung kukuha ng bagahe.

More in National News

Latest News

To Top