National News
300 Pinoy nurse, ipadadala sa Estados Unidos- licensed agency ng DMW
Mahigit 300 rehistradong nurse ang ipapadala sa Estados Unidos ayon sa Industrial Personnel And Management Services (IPAMS), 1 certified licensed agency ng Department of Migrant Workers (DMW).
Partikular na sa mga ipadadala ang may karanasan sa trabaho na hindi bababa sa 1 taon.
Nasa tatlo hanggang P5-M naman kada taon ang inaalok na sahod ng US employers.
May posibilidad rin na makakuha ang mga ito ng permanent visa, green card o residency sa Estados Unidos.
