Connect with us

3,000 baboy, kinatay sa Cavite dahil sa banta ng ASF

National News

3,000 baboy, kinatay sa Cavite dahil sa banta ng ASF

Umabot na sa 3,000 mga baboy ang kinatay Cavite dahil sa banta ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Regional Director Arnel De Mesa layon ng hakbang na mapigilan ang paglaganap ng naturang sakit sa lalawigan.

Nagmula ang mga kinatay na baboy sa sakop ng 1-kilometer radius mula sa apektadong babuyan sa Baranggay Emmanuel Bergado 1 sa Dasmarinas City.

Wala namang iba pang naitalang panibagong kaso ng ASF bukod sa nasabing baranggay.

Magugunitang nasa 31 na baboy ang unang nasawi sa Damarinas City dahil sa ASF.

Patuloy naman na umiiral ang lockdown at pagbabawal sa paglabas at pagpasok ng baboy sa lalawigan alinsunod sa direktiba ni Governor Jonvic Remulla.

More in National News

Latest News

To Top