National News
30M katao, ‘di totoong mawawalan ng PhilHealth coverage– DBM
Hindi totoo na mawawalan na ng PhilHealth coverage ang nasa 30M katao.
Tugon ito ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa post ng isang medical group na babawasan na nga ang indirect contributors sa PhilHealth ngayong taon.
Ayon pa sa post, hindi na rin umano mababayaran ng PhilHealth ang benefit claims ng 30M members at dependents.
Dahil dito, sinabi ng DBM na aaksyunan nila ang nasa likod ng naturang fake news.