Connect with us

31 empleyado ng RITM na nagpositibo sa COVID-19, magaling na

Pagkahawa ng 43 staffs ng RITM, hindi dahil sa pagproseso ng COVID-19 specimen - DOH

National News

31 empleyado ng RITM na nagpositibo sa COVID-19, magaling na

Kinumpirma ni Department of Health Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naka-recover na sa ang 31 empleyado ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon kay Vergeire, nakatanggap na raw ng 2 negative test results ang nasabing mga tauhan ng RITM, kung kaya’t nakabalik na ilan sa mga ito sa kanilang trabaho.

Samantala, 9 pa ang naghihintay ng resulta ng kanilang ikalawang test, na inaasahang mari-release ngayong araw ng Lunes, habang nananatili ng mga ito sa tinutuluyan dormitory.

Sinabi ni Vergeire na umaasa ang RITM na sa pagbabalik ng kanilang mga staff ay makakatulong ang mga ito sa kasalukuyan nilang testing capacity na 2,700 tests kada araw.

Nag-request na rin aniya sila ng karagdagang 400 personnel upang tumulong sa pagproseso ng mga sample sa RITM.

More in National News

Latest News

To Top