Connect with us

393 SPP para sa mga PDL, inihahanda na para sa May 12 elections

393 SPP para sa mga PDL, inihahanda na para sa May 12 elections

National News

393 SPP para sa mga PDL, inihahanda na para sa May 12 elections

Inihahanda na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang 393 jail facilities sa buong bansa na gagamitin bilang Special Polling Precincts (SPP) para sa nalalapit na May 12 midterm elections.

Batay sa datos ng BJMP, nasa 31,715 registered Person Deprived of Liberty (PDL) voters ang maaaring bumoto sa Mayo na hindi kinakailangang lumabas ng piitan.

Pinakamalaking bilang ng SPP ang CALABARZON na may 118, 79 mula sa Region 7, at 78 naman galing sa Region 6.

Samantala, para naman sa may maliliit na bilang ng PDL na hindi bababa sa 50 ay ieskortan ito ng BJMP patungo sa kani-kanilang regular polling precinct.

Nauna namang pinahihintulutan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasagawa ng campaign activities sa loob ng piitan para sa mga tumatakbo sa alinmang posisyon sa gobyerno sa ilalim ng approval ng BJMP at COMELEC.

More in National News

Latest News

To Top