Connect with us

4 armadong kalalakihan sa Maguindanao del Sur, naka-engkwentro ng 6th IB; Mga kagamitang pandigma, nasamsam

4 armadong kalalakihan sa Maguindanao del Sur, naka-engkwentro ng 6th IB; Mga kagamitang pandigma, nasamsam

National News

4 armadong kalalakihan sa Maguindanao del Sur, naka-engkwentro ng 6th IB; Mga kagamitang pandigma, nasamsam

Nakarekober ng 6th Infantry Battalion ang mga kagamitang pandigma mula sa local terrorist group matapos makaengkwentro ang tinatayang 4 na armadong terorista sa Brgy. Penditen, Datu Salibo, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Lt. Col. Al Victor C. Burkley, commanding officer ng 6IB, nagsasagawa ng regular na combat patrol ang kanilang tropa nang maengkwentro ang armadong grupo.

Sa isinagawang clearing operation, nakarekober ang tropa ng militar ng 1 M14 rifle, 2 magazine, 1 bandolier, 2 caliber .45 pistol, at iba pang kagamitan.

Nakita rin ang bakas ng dugo sa lugar, indikasyon na may nasugatang miyembro mula sa panig ng kalaban.

Nagbigay naman ng direktiba sina Brig. Gen. Jose Vladimir Cagara, commander ng 1st Brigade Combat Team, at Brig. Gen. Edgar Catu, commander ng 601st IB, ng pursuit operation laban sa mga teroristang grupo.

Sa ngayon ay naka-alerto ang lahat ng patrol bases sa kanilang mga area of operation, at pinaigting din ang intel monitoring at checkpoint operations sa lugar.

Samantala, sinabi ni Major General Donald M. Gumiran, commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central (JTFC), na ang ganitong resulta ng operasyon ay patunay ng determinasyon ng militar na tapusin ang presensya ng mga teroristang grupo sa rehiyon.

Kasunod nito, nananawagan din ang division commander sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang mas mapabilis ang mga operasyon laban sa mga natitirang elemento ng teroristang grupo.

More in National News

Latest News

To Top