Connect with us

4 Chinese nationals, arestado sa Pampanga sa pagpupuslit ng puting sibuyas

4 Chinese nationals, arestado sa Pampanga sa pagpupuslit ng puting sibuyas

National News

4 Chinese nationals, arestado sa Pampanga sa pagpupuslit ng puting sibuyas

Inaresto ng pulisya ang ilang dayuhan matapos mahuli na may dalang ₱1.7-M na halaga ng puslit na sibuyas sa Mexico, Pampanga.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP), isinagawa ang operasyon nitong April 26, 2025.

Ito’y matapos makatanggap ng ulat hinggil sa pinaniniwalaang agricultural smuggling gamit ang trailer trucks.

Sa ginawang pagsusuri sa trailer trucks, nakumpirma ngang smuggling dahil imbes na Japanese chicken strips ang nakasaad sa importation documents, ay puting sibuyas ang laman nito.

Ang mga puting sibuyas ay inangkat mula sa China.

Mula rito, 4 na Chinese nationals ang inaresto at dinala sa opisina ng CIDG sa Pampanga.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Anti-Agricultural Sabotage Act kaugnay ng Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

More in National News

Latest News

To Top