Connect with us

4 LTO enforcers na sangkot sa pangingikil sa Bulacan, ni-relieved na sa pwesto

Ni-relieve na ni LTO Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang apat na enforcers ng Field Enforcement Division (FED).

National News

4 LTO enforcers na sangkot sa pangingikil sa Bulacan, ni-relieved na sa pwesto

Ni-relieve na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang apat na enforcers ng Field Enforcement Division (FED).

Ito ay matapos kumalat sa social media ang video ng mga ito na tangkang nangingikil ng ₱8,000 sa motorista na kanilang sinita sa LTO checkpoint sa Bocaue patungong Philippine Arena nitong weekend.

Ayon kay Tugade, tinanggal muna nila sa trabaho ang apat na enforcers habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanila.

Sa ngayon ay pinatawag na sa tanggapan ng Law Enforcement Services (LES) ang mga enforcers na sakay ng LTO mobile #14 na may plate number na SHS 234 para sa karagdagang imbestigasyon sa insidente.

Sandaling mapatunayang nagkasala ang mga enforcer, siniguro ni Tugade na tatanggalin ang mga ito sa LTO at sasampahan ng kasong administratibo at kriminal.

More in National News

Latest News

To Top