Regional
4 lugar sa Western Visayas, isinailalim na sa state of calamity – NDRRMC
Isinailalim na sa state of calamity ang 4 na lugar sa Western Visayas dahil sa epekto ng bagyong Goring, Hanna at habagat sa bansa.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kabilang sa isinailalim sa state of calamity ay ang Pototan at Leganes sa Iloilo.
Gayundin ang Sibalom sa Antique at San Enrique sa Negros Occidental.
Umabot sa 102,508 pamilya o 380,851 indibidwal mula sa 1,113 barangays ang naaapektuhan ng bagyo at habagat sa Western Visayas.
Inaasahang magagamit na rin ng lokal na pamahalaan ang kanilang calamity fund upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang lalawigan at mga apektadong residente.