Connect with us

4 Mataas na lider ng NPA, patay sa engkwentro sa Bukidnon

Patay ang isang miyembro ng Daulah Islamiyah-Hassan Group matapos makaengkwentro ang militar sa Ampatuan, Maguindanao.

National News

4 Mataas na lider ng NPA, patay sa engkwentro sa Bukidnon

Patay ang apat na mataas na lider ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkwentro ang tropa ng gobyerno sa Barangay Tikalaan, Talakag, Bukidnon.

Ayon kay Major Francisco Garello Jr., tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, kinilala ang mga nasawi na sina Carlisio Sumalinog, Jovilito Pontillas, Gary Juliana, at Jelly Sugnot.

Nakumpiska ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro ang 16 high-powered firearms kabilang ang M16 Rifle, M203 Grenade Launcher, R4 Carbine Rifles, M653 Rifle, M1 Garand Rifle, AK47 Rifle at M14 Rifle.

Pinuri naman ni Major General Wilbur Mamawag, commander ng 4th Infantry Division ang mga sundalo sa kanilang pagpupursige na matapos ang laban sa Communist terrorist bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bunga rin aniya ng ‘convergence efforts’ ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ang nasabing tagumpay ng militar laban sa NPA.

More in National News

Latest News

To Top