Connect with us

4 na automated counting machine, ibiniyahe sa Kanlaon

4 na automated counting machine, ibiniyahe sa Kanlaon

National News

4 na automated counting machine, ibiniyahe sa Kanlaon

Sakay ng C-130 ng Philippine Air Force (PAF), ibiniyahe na ng Commission on Elections (Comelec) ang 4 na yunit ng Automated Counting Machine (ACM) at 3 yunit ng ACM ballot boxes patungong Kanlaon.

Ayon sa Comelec, bahagi pa rin ito ng tuluy-tuloy na deployment ng mga balota at makina sa iba’t ibang panig ng bansa para sa nalalapit na botohan sa ika-12 ng Mayo.

Kasama rin sa biyahe ang 600 test ballots at 1 yunit ng Starlink satellite communication device.

Pagdating sa Kanlaon, isang ACM demonstration at voter education ang isasagawa para sa mga residente ng La Carlota (Mt. Kanlaon), kasabay ng pamamahagi ng munting ayuda para sa kanila.

More in National News

Latest News

To Top