National News
4 na high school students, nanalo ng international awards – DepEd
Nanalo ng awards ang 4 na high school students mula sa 2 paaralan sa Pilipinas.
Sa anunsyo ng Department of Education (DepEd), 3 sa 4 ay mula sa Cebu City National Science High School.
Naipanalo nila ang ika-4 na grand award para sa cellular and molecular biology category mula sa Regeneron International Science and Engineering Fair (Regeneron ISEF) 2024.
Ang natitirang estudyante ay mula sa Tarlac National High School kung saan nakuha nito ang National Geographic Society’s excellence in geography and geospatial science award.
Ginanap ang kompetisyon sa Los Angeles convention center sa California mula May 11 – 17, 2024.
