Connect with us

4 na myembro ng Dawlah Islamiyah, nasawi sa engkwentro

4 na myembro ng Dawlah Islamiyah, nasawi sa engkwentro

National News

4 na myembro ng Dawlah Islamiyah, nasawi sa engkwentro

Patay ang 4 na kasapi ng Dawlah Islamiyah, kabilang ang 1 high-value individual matapos ang nangyaring sagupaan laban sa mga elemento ng Marine Battalion Landing Team 2 (MBLT-2), 65th Force Recon Company at iba pang operatiba ng tropa ng militar sa Sitio Palao, Barangay Barira, Barira, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Lt. Col. John Dela Cruz, pinuno ng MBLT-2, bandang alas-5:45 ng umaga (Marso 17, 2025) nang makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang ilang myembro ng lokal na teroristang grupo na pinamumunuan ni Emarudin Kasan Kulaw, alyas ‘Alpha King,’ kinikilalang sub-leader ng Dawlah Islamiyah Hassan Group.

Kinilala ang mga napatay na sina Mustapha Kasan Kulaw, alyas Abu Saiden, isang notoryus na miyembro ng grupo; alyas Pudin, anak ni Alpha King; alyas Abdullah; at isa pang hindi pa nakikilala.

Nasamsam ng militar ang iba’t ibang kagamitang pandigma ng grupo, kabilang ang 2 M16 rifle, 1 cal. 45 pistol, iba’t ibang uri ng bala, magasin, 2 bandolier, 3 cellphone, 2 anti-personnel mines, at iba pang mga gamit.

Sa isang pahayag, sinabi ni Brigadier General Romulo D. Quemado II, pinuno ng 1st Marine Brigade, na patuloy nilang isusulong ang mga operasyong kontra-terorismo upang tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Samantala, pinuri ni Major General Donald M. Gumiran, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, ang mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 2 at 65th Force Recon Company sa matagumpay na operasyon.

Hinimok din niya ang natitirang mga miyembro ng Dawlah Islamiyah na itigil na ang kanilang armadong pakikibaka at magbalik-loob sa pamahalaan upang makapamuhay ng tahimik.

More in National News

Latest News

To Top