Connect with us

4 na tauhan ng NCRPO, isinailalim sa self quarantine dahil sa COVID-19

4 na tauhan ng NCRPO, isinailalim sa self quarantine dahil sa COVID-19

Metro News

4 na tauhan ng NCRPO, isinailalim sa self quarantine dahil sa COVID-19

May 4 na ring National Capital Region Police Office (NCRPO) personnel ang isinailalim sa monitoring dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa press briefing, sinabi NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas na kasalukuyang naka-self quarantine ang 4 na pulis.

Ayon kay Sinas, kasama sa minomonitor ang 2 non-uniformed personnel na bumiyahe sa Japan noong Marso 4 at kararating lang kahapon.

Isang police staff sergeant na madalas dumadalo sa Muslim prayer room sa Greehills kung saan dumalo ang ika-anim na biktima ng COVID-19.

Habang ang huling minomonitor ay isang police lieutenant colonel matapos dumating ang kanyang asawa mula Japan noong Marso 5.

Samantala, sinabi ni Sinas na ipagbabawal ang lahat ng biyahe ng NCRPO personnel sa ibang bansa kasunod ng banta ng COVID-19.

More in Metro News

Latest News

To Top