Uncategorized
4 patay sa pagpapatuloy ng kilos-protesta sa Iraq
Nagdeklara na ng curfew sa Baghdad matapos masawi ang apat na katao sa ika-apat na araw ng kilos-protesta laban sa gobyerno ng bansa kaugnay sa early elections.
Ayon sa mga nakasaksi, tear gas at bala ng baril na tumama sa ulo ng mga demonstrador ang dahilan ng pagkasawi ng mga ito.
Ilang sundalo din ang naiulat na nambubugbog ng mga estudyante sa dalawang distrito ng Baghdad.
Naglabas naman ng pahayag na hindi sang ayon sa aksyon ng mga sundalo ang Defense Ministry ng Iraq at hindi umano dapat ikundena ang buong sandatahang lakas dahil sa insidente.
Tinataya hindi bababa sa 277 katao ang naiulat na sugatan sa nagpapatuloy ng demonstrasyon.
Ulat ni Shara Veneracion | Larawan mula kay Khalid Mohammed/AP
