Connect with us

4 rebelde sa Agusan del Sur, sumuko dahil sa gutom at napakong pangako ng kanilang grupo

4 rebelde sa Agusan del Sur, sumuko dahil sa gutom at napakong pangako ng kanilang grupo

Regional

4 rebelde sa Agusan del Sur, sumuko dahil sa gutom at napakong pangako ng kanilang grupo

Kasunod ng pinaigting ng pakikipagtulungan ng militar sa Local Government Units (LGUs) at tribal leaders, sumuko ang 4 na sa Agusan del Sur.

Ayon kay Lieutenant Colonel Sandy Majarocon, commanding officer ng 26th Infantry Battalion, ang mga sumuko ay pawang mga miyembro ng Platoon Sagay, Sub-Regional Committee 3 ng North Central Mindanao Regional Committee na kumikilos sa Esperanza, Agusan del Sur at Las Nieves, Agusan del Norte.

Ibinaba rin nila ang 2 AK47 rifle, 1 KG-9 sub-machine gun, at 1 Carbine rifle.

Nagdesisyon na sumuko ang 4 na rebelde dahil sa takot para sa kanilang buhay, gutom, pananabik para sa kanilang mga pamilya at anak, at ang hindi natupad na pangako ng kanilang grupo.

Sasailalim ang mga sumuko sa iba’t ibang uri ng assessment at documentation para mapabilang sila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan at tuluyang makapagbagong buhay.

More in Regional

Latest News

To Top