Connect with us

4 sa “Solid 7” senators, kino-konsiderang lumipat sa minorya

4 sa "Solid 7" senators, kino-konsiderang lumipat sa minorya

National News

4 sa “Solid 7” senators, kino-konsiderang lumipat sa minorya

Hanggang ngayon nga’y masakit pa rin para sa tinaguriang “Solid 7″ senators ang nangyaring pagpapalit ng liderato sa Senado kamakailan.

Ang “Solid 7” ay binubuo ng mga senador na di’ pumabor na tanggalin si dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa puwesto.

Kabilang dito sina Senador Nancy Binay, Loren Legarda, Win Gatchalian, JV Ejercito, Sonny Angara, At Joel Villanueva.

“Malungkot lang minsan kasi may maririnig ka pa na ‘yung nag-sorry nagdadahilan, ‘yung nagsosorry nagsasabi ng kung ano-ano hindi ‘yun lang ang hndi natin maiwasan minsan na okay na pero ano ba ‘yan talaga no?” ayon kay former Majority Floor leader, Sen. Joel Villanueva.

Sa kabila ng kanilang sama ng loob ay sinabi naman ni Sen. Villanueva na bukas ang kanilang pangkat para makipagdayalogo sa bagong Senate president na si Chiz Escudero.

Kasabay nito’y sinabi rin ng senador na 4 sa kanila ay kinokonsidera nang umanib sa Minority Bloc ng Senado kung saan maaari silang magsilbi bilang karagdagang fiscalizer.

Una nang nagpahayag ng posibleng paglipat sina Senador Nancy Binay, JV Ejercito, at Migz Zubiri.

“Again, at the end of the day, ang bottom line namin lahat dito ay kung saan kami mas epektibo in helping the institution, our country and our people. Kasi importante rin ‘yung maraming fiscalizers,” dagdag pa ng senador.

Iginiit naman ni Villanueva na panahon na para mag-move-on kasi pare-pareho naman silang nakakaintindi sa laro ng politika.

Pero binigyang-diin din niya na hindi biro ang sinabi ni Zubiri sa kanyang speech na “powers that be” na aniya’y nasa likod na kanyang pagkakatanggal na siya ring nagluklok kay Senador Chiz bilang Senate president.

“Sana let us move forward. It is what it is. We are all seasoned politicians. we know the name of the game. Hindi rin nangangapa o hindi rin tsismis ‘yung sinabi ni Senate President Migz Zubiri na may powers that be dahil may dalawang senador na nagsabi sa grupo namin na may tumawag sa kanila,” ani Villaneva.

Umapela naman si Senate President Chiz Escudero kay Zubiri na huwag ibaba ang bandila ng Senado kaugnay sa isyu ng umano’y pangingialam ng Malakanyang sa Senado.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Zubiri na may ibang puwersang nakialam kaya’t may pagpapalit ng liderato noong May 20.

“Sana bilang dating Senate president, itayo at huwag naman niyang ibaba ang bandila, ika nga, ng Senado sa pamamagitan ng pagsabi ng ganyan. Walang boto ang Malacañang sa 24 na botong meron sa Senado para maging Senate President [ang] sinuman,” pahayag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Sinabi ni Escudero na walang boto ang Malacañang sa 24 na botong meron sa Senado para maging Senate president ang sinuman.

Muling iginiit ni Escudero na kakulangan o kawalan ng kumpiyansa ang nangyari sa liderato noon ni Zubiri. At kung paano naman ito nangyari ay may kanya-kanyang dahilan ang bawat senador.

More in National News

Latest News

To Top