Connect with us

44 convicts na pinalaya dahil sa GCTA na sumuko, tumakas

National News

44 convicts na pinalaya dahil sa GCTA na sumuko, tumakas

Tumakas mula sa police custody ang nasa 44 mga dating preso sa Puerto Prinsesa, Palawan na pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na boluntaryong sumuko.

Ito ang kinumpirma ni Levy Evangelista, tagapagsalita ng Iwahig Prison and Penal Farm.

Ayon kay Evangelista, nitong Sabado ng hapon ng tumakas ang mga dating inmates gamit ang iba’t ibang exit points ng kulungan.

Sinabi ni Evangelista na nawalan na ng pasensya ang mga dating preso sa isinasagawang proseso ng Department of Justice kaya ginawa nilang tumakas.

Aniya, muli nilang hihimukin ang mga tumakas na dating preso na boluntaryong sumuko muli upang maging legal ang kanilang release order.

Charlie Nosares Larawan mula sa The Kahimyang Project

More in National News

Latest News

To Top