National News
400 bagong Coast Guardians, nagtapos ngayong taon
Pinapurihan ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 400 bagong Coast Guardians na nagtapos ng Coast Guard Non-Officers Course Class 107-2023 SIDTALA-BAGSIK.
Ang seremonya na ginanap sa kanilang Regional Training Center (RTC) sa Bagac, Bataan noong Mayo 21 ay pinangunahan ni Coast Guard Education, Training and Doctrine Command commander CG Vice Admiral Charlie Rances.
Sinabi ni Vice Admiral Rances, ikinagagalak nila ang pasya ng mga bagong Coast Guard Guardians na piniling magsilbi sa bayan lalo na sa panahon ng kagipitan partikular na sa hamon at hagupit ng kalikasan.
Pinayuhan din nito ang mga nagtapos na maghanda sa mga bagong assignment anumang oras ngayon bilang katuwang sa pangangalaga sa kalikasan at proteksyon ng mamamayan lalo na sa pagtatanggol sa mga karagatang sakop ng bansa.