National News
4,000 Filipino factory workers sa Daegu City, South Korea ligtas ayon sa Consul
Tiniyak ng konsulada ng Pilipinas sa South Korea na ligtas ang nasa 4,000 Pinoy na factory workers sa Daegu City sa South Korea na pinakaapektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Consul General Christian de Jesus, mismong ang employer ng mga OFW ang tumutulong para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.
Sa ngayon aniya ay nananatili ang mga Pinoy sa kanilang dormitoryo at factory at hindi pinapayagang lumabas kung hindi kinakailangan.
Sinabi ni De Jesus na namahagi ang mga Korean employer ng face masks at sinisigurong hindi crowded ang working spaces para maiwasan ang posibleng transmisyon ng virus.
Inulit din ng consul general na wala pang Pinoy sa South Korea ang infected ng virus.
Sa ngayon ay umabot na sa 977 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa SoKor kung saan 11 na ang nasawi.