Connect with us

44 indibidwal sa Ifugao, binawi ang suporta sa CTGs

44 indibidwal sa Ifugao, binawi ang suporta sa CTGs

National News

44 indibidwal sa Ifugao, binawi ang suporta sa CTGs

Pormal nang binawi ng aabot sa 44 na sumusuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) mula sa Tukocan, Ifugao ang kanilang suporta sa komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Ang simpleng seremonya ay ginanap sa Mugao, Barangay Impugong Tinoc, Ifugao.

Ang Ifugao ay tahanan ng kilalang rice terraces at ito rin ay naging pugad ng pag-aalsa ng mga rebeldeng grupo.

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasabay ang pagsunog ng mga dating suporters ng CTG sa mga banner ng makakaliwang grupo at nanumpa na susuporta na sa pamahalaan.

May be an image of 3 people, crowd and text

Nabigyan din sila ng foodpacks mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pagbawi ng suporta ng masa sa teroristang grupo ay malaking bagay para makamit ang isang mapayapa at isang insurgency free na Ifugao.

Ayon kay Ifugao Governor Jerry Dalipog, ang ginawa ng masa ay malaking tulong sa layunin ng probinsya na mapalago ang kanilang lugar.

Kinondena rin nito ang mga rebeldeng grupo at nanawagan na hindi nila papayagang mawala ang kapayapaan na kanilang inaasam.

“We will not allow the CTG to continue demeaning the peace that we aspire for, so we ought to condemn them.”

Hinikayat din nito ang lahat ng CTG supporters na samahan ang lalawigan sa kanilang layunin

“I therefore urge all CTG supporters to join me and our officials to be committed to moving forward in our quest for peace.”

Para naman kay LtCol. Epizo Angalao, commander ng 86th Infantry Battalion na ang ginawang pagkakaisa at tiwala sa gobyerno ng mga dating suporter ng rebeldeng grupo ay patunay na wala nang masisirang pamilya dahil sa karahasan dahil sa maling idelohiya.

“With your unity and trust in the government, it will be ensured that no more families will be destroyed due to violence, no more children will be separated from their parents, and no more young people will be affected by conflict and wrong ideology.”

May be an image of 4 people, speaker and text

Samantala, sa bayan ng Ragay Camarines Sur ay nasa 12 myembro ng Milisyang Bayan at 7 myembro ng Sangay ng Partido sa lokalidad ang sumuko.

Habang 49 CPP-NPA-NDF supporters naman ang binawi ang kanilang suporta sa komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Ang pagsuko ng mga dating myembro ng makakaliwang grupo ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Ragay Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) at ng tropa ng 81st Infantry Battalion (81IB), Camarines Sur PNP, at Ragay PNP.

Sa isang simpleng seremonya isinulat ng mga dating suporter ng rebeldeng grupo ang kanilang mga sworn statements na naglalahad ng kanilang pagbawi ng suporta at pagkundema sa teroristang grupong cpp-npa-ndf kasabay ang panunumpa ng kanilang katapatan sa gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top