Connect with us

44% ng mga Pinoy, nasiyahan sa performance ni VP Robredo bilang drug czar

National News

44% ng mga Pinoy, nasiyahan sa performance ni VP Robredo bilang drug czar

Apatnapu’t apat na porsyento ng mga Pilipino ang nasiyahan sa performance ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sa kabila ng maikling pananatili nito sa ahensya.

Batay sa resulta ng fourth quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS), sa 44% na satisfied sa performance ni Robredo ay 14% ang nagsabing very satisfied sila habang 30% naman ang somewhat satisfied.

Nasa 26% naman ang hindi nasiyahan sa performance ni VP Robredo sa ICAD kung saan 15% dito ang somewhat satisfied at 11% ang very dissatisfied habang 30% ang undecided.

Dahil dito, nakakuha si Robredo ng net satisfaction score na positive 18 na itinuturing ng SWS bilang moderate.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula December 13 hanggang 16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults.

More in National News

Latest News

To Top