Connect with us

45 drivers at konduktor, nagpositibo sa ramdom drug test ng PDEA

National News

45 drivers at konduktor, nagpositibo sa ramdom drug test ng PDEA

Tumaas na sa 45 ang bilang drivers kasama ang ilang konduktor ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa ikinasang “Undaspot” random drug test sa mga bus terminals, pantalan, at paliparan sa buong bansa.

Nitong Lunes nang simulan ng PDEA ang Undaspot drug test sa mga drivers na bahagi ng kanilang “Oplan Harabas” katuwang ang LTO bilang paghahanda para sa ligtas na biyahe ngayong Undas 2019.

Kabilang sa nagpositibo sa iligal na droga ang 24 na bus drivers, 14 na konduktor, tatlong jeepney drivers, dalawang van driver, isang tricycle driver at isang taxi driver.

Samantala, sa panayam ng SMNI news kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na tataas pa ang nasabing bilang dahil patuloy pa ang kanilang Undaspot drug test sa Bicol region at sa iba pang rehiyon.

Sinabi ni Carreon na hindi na pinayagan na bumiyahe ang mga nagpositibo sa mandatory drug test at agad na kinumpiska naman ng LTO ang kanilang driver’s license habang sumasailalim sa rehabilitasyon.

Isinagawa ang drug test sa 4,862 na transport drivers sa buong bansa.

More in National News

Latest News

To Top