National News
457 police escorts, binawi mula sa lahat ng mga opisyal
NI-recall na ng Philippine National Police (PNP) ang higit 400 mga police escorts mula sa lahat ng mga local officials hanggang sa Senador.
Ayon kay Security Protection Group (PSPG) Director Chief Supt. Filmore Escobal, nasa 457 na police escorts ang kanilang binawi mula sa mga politiko.
Sinabi ni Escobal na ang pagbawi sa mga police escorts ay bahagi na ng routine.
Ito ay sa tuwing may halalan para maiwasan na masangkot sa isyung politika ang mga pulis.
Gayunman, tiniyak ng opisyal na maaari pa naman mag-apply ng security escort ang mga pulitikong may banta sa kanilang buhay.
Pero kailangan aprubado ito ng Commission on Election (Comelec).
Samantala, otomatikong exempted sa security recall ang pangulo; pangalawang pangulo; senate president.
Kabilang ang house speaker; punong mahistrado; at ilan pang mga matataas na opisyal ng pamahalaan.