Metro News
47K katao, magiging casualties kung tatama ang ‘the Big One’
Posibleng nasa 46,993 katao ang magiging casualty kung tatama ang ‘the Big One’ sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Binabagtas ng West Valley Fault ang ilang bahagi ng Quezon City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, at Muntinlupa maging sa Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Ang ‘the Big One’ naman ay ang inaasahang malawakang lindol na maaaring ma-trigger sa paggalaw ng West Valley Fault na isang major fault line.
Dagdag pa ng NDRRMC, posibleng aabot ang ‘the Big One’ ng mahigit 7.2 magnitude kung kaya’t inaasahan rin ang matinding pinsala lalong-lalo na sa mga matataong lugar.
