COVID-19 UPDATES
49 na kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease sa bansa, naitala ng DOH
Umabot na sa kabuuang 49 ang naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang 16 na panibagong kaso ng virus sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, stable naman ang kondisyon ng 8 sa mga bagong kaso na naka-confine sa iba’t-ibang ospital sa bansa.
Samantala, ikalawang nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa, isang Pinoy ayon sa DOH
Ang nasawi ay si patient 35 na isang Pinay na may edad na 67 taong gulang.
Ayon sa DOH, Pebrero 29 ng magpakita ito ng sintomas ng sakit at nakumpirma lamang kahapon.
Naka-confined naman si patient 35 sa Manila Doctors Hospital sa Maynila.
Magugunita na unang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 ang 44-year old na lalaking Chinese.
Sa ngayon, puspusan pa rin ang ginagawang contact tracing ng DOH sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.