National News
4K show cause orders, inilabas ng LTO vs. motor vehicle dealers
Nagpalabas na ang Land Transportation Office (LTO) ng 3,940 show cause orders para sa motor vehicle dealers sa buong bansa.
Partikular na dito ang bigong makapag-release ng license plates kasama na ang Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) para sa mga bagong biling sasakyan na nasa 11-day deadline pa lang.
Ayon sa LTO, hanggang P1M at termination ng kanilang license to operate ang kahihinatnan kung bigo nilang sundin ang guidelines na ito ng ahensya.
Ipinaliwanag ni LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, hakbang nila ang pag-issue ng show cause orders para maiwasan ang stockpiling ng license plates sa motor vehicle dealerships.