National News
4Ps beneficiaries, hinikayat na sumailalim sa profile updating
Hinihikayat ang lahat na household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na i-update nila ang kanilang profiles.
Lalo na ayon sa ahensya kung may buntis ito na members o mga bata hanggang dalawang taong gulang.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kinakailangan ito para maging accurate ang lahat na eligible recipients ng ‘First 1000 Days’ cash grants ng gobyerno.
Sa profile updating, kinakailangan ang pagsumite ng birth certificate ng bata o local civil registry, medical, o health certificate ng isang buntis na member mula sa kanilang Rural Health Unit (RHU) o Barangay Health Station (BHS).
Magsisimula ang pamamahagi ng ‘First 1000 Days’ cash grants sa Enero 2025.